Ex-junior cage stars out muna sa Smart-Gilas

HINDI muna paglalaruin ni Smart-Gilas coach Rajko Toroman ang dalawang dating junior cage superstars sa ginanaganap na PBA Commissioners Cup.

Sa kabila ng magandang ipinakita nina Keifer Ravena na Ateneo Blue Eagles at Baser Amer ng San Beda Red Lions sa kanilang paglalaro sa high school division ay nagpasiya si Toroman na alisin muna sa line-up ang dalawa.

Idinahilan ni Toroman na inaalala niya na mahirapan sila sa paghingi ng permiso sa mga opisyales ng collegiate league na lalaruan nina Ravena at Baser.  Ayaw ring sugalan ni Toroman na isabak agad ang dalawang batang manlalaro sa mga pisikal na laro sa professional league.

Nangangamba si Toroman na baka mahirapan ang dalawa sa pagharap nila sa PBA teams tulad ng Talk N’ Text, San Miguel Beer, Derby Ace, Alaska Aces at Ginebra Gin Kings na kilala sa mabibigat at pisikal na bakbakan. Radito Torres

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply