Execom member inaarbor ng CPP-NDF

HINILING ng Communist Party of the Philippine- National Democratic Front na palayain ang nadakip na kasapi ng kanilang execom at politburo CPP-NPA na nadakip nitong Lunes ng hapon, Pebrero 14.

Mismong si Luis Jalandoni, chairman NDF negotiating panel ang nagpahayag na ang inarestong si Alan Jazmines ay saklaw at nasa ilalim ng proteksyon ng umiiral na  Joint Agreement on Security and Immunity Guarantees (JASIG).”

Sinasabing si Jazmines ay may hawak na JASIG document ID at aktibong sangkot sa pagsusulong ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng CPP-NDF at Government of the Republic of the Philippines simula pa ng panahon ni dating Presidente Fidel Ramos.

Posible umano na ang pag-aresto ay kagagawan ng military upang pigilin ang usapang pangkapayapaan.

Magugunitang si Jazmines, alyas Dex/Tomas/ Arthur na sinasabing kasapi ng  CPP’s central committee, execom at Politburo  member, Central Committee ng CPP-NDF-NPA ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Branch 63, Calauag, Quezon sa kasong rebellion sa isang safe house sa Villa Aurea, Brgy Subic, Balay, Baliaug, Bulacan

Dinakip siya ng pinagsanib puwersa ng Bulacan PPO, Army 56th infantry Battalion, at  703 Brigade 7th Mililtary Intelligence Battalion, 7ID at Intellignee Service Group, PA.

Isinagawa ang pag-aresto ilang oras bago pairalin ang ipinatutupad na 7 day bilateral ceasefire ng gobyerno at NDF kaugnay sa pagsisimula ng formal negotiation sa Oslo Norway. Verlin Ruiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply