Executive Order 464 at anomalya sa pamahalaan

DAPAT imantine ni Pangulong Noynoy Aquino ang hindi pagpapairal ng Executive Order 464 na pinairal ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

Kaugnay ito ng imbestigasyon ng Kamara at Senado ukol sa katiwalian sa militar.

Sa ngayon, hindi pinagbabawalan ni PNoy ang lahat ng opisyal ng pamahalaan na dumalo sa mga imbestigasyon.

At nasasaksihan ng lahat, sa pamamagitan ng media,  ang mga nagaganap, kabilang na ang paglustay at pagbulsa ng kung sino-sinong mga Pilato at Hero-des sa gobyerno ang salaping bayan.

Siyempre pa, hindi naman lahat ng mga pinagsasabi ng mga iniimbestigahan ay totoo kundi may kasinungalingan din.

Pero ang importante, nasa harapan at napagmamasdan ng mamamayan ang lahat ng nagaganap.

Kung mahinog bilang kaso ang mga problema sa pag-dinig ay ibang usapan.

Ang mahalaga naman, kung babagsak sa Office of the Ombudsman ang kaso, naririyan silang mga taga-Ombudsman na nakikinig at nakahandang tumanggap ng mga mungkahi mula sa mga mambabatas.

Ang EO 464, mga Bro, ay pinaiiral noon ni ex-PGMA at ngayo’y kongresman ng Pampanga. Binusalan ng EO ang bibig ng mga opisyal nnoon kaya naman halos walang mapiga na katotohanan sa mga imbestigasyon.

Ngayon na lang lumalabas ang lahat at bahala na ang mamamayan na humusga kung sino-sino ang mga inosente at may sala.

Magandang regalo ni PNoy sa mamamayan ngayong EDSA anniversary ang pagiging bukas sa mga kabulukan.

MPD kotong cops

Ano ba itong pulis ng trapik MPD at mga pulis dito sa Manila City hall? Nag-aagawan sila sa mga lagay ng mga driver. Baka sa bandang huli sila-sila ang magbabarilan dahil sa tong ng mga driver.                         0949500

Walang 13th mo pay

Magandang araw po, isa po akong guard sa MWJ agency, wala man lang kaming natanggap na 13th month pay at wala pong saktong sahod po. Wag niyo pong ilabas ang number ko.  0909739

Bitay ibalik

Dapat ibalik ang parusang bitay at kung sinoman ang gumawa ng masama ay dapat di bibitayin para wala nang gumawa ng masama.  0921293

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.phBenny Antiporda

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply