Executive Order kontra oil price hike hiniling ibaba

NANAWAGAN ang militanteng transport group kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na pairalin ang executive order para hindi magamit ng oil companies ang pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo sa gitna ng kaguluhan sa Libya.

Ang panawagan ay ipinahayag ngayong araw, Pebrero 27 ni George San Mateo, Secretary General ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) dahil sa napipintong pagsirit muli ng produktong petrolyo.

Ayon kay San Mateo, gagamitin ng dambuhalang oil companies ang kaguluhan sa Libya para manipulahin ang presyo ng petrolyo.

Aniya tanging ang paglalatag lamang ng EO o price freeze ang paraan upang hindi magamit ng oil companies ang lumalalang sitwasyon sa Libya.

Sinabi pa ni San Mateo na hindi kailangan ang deklarasyon ng Emergency Power ni Pangulong Aquino kundi Executive Order upang mapanatag ang publiko na walang magaganap na oil price hike. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply