Executive session sa kaso ni Garcia tinutulan

TUTOL si Senate President Juan Ponce Enrile sa panukala ng ilang senador na gawing executive session ang pagdinig ng Blue Ribbon Committee tungkol sa plea bargaining agreement ni dating military comptroller Carlos Garcia kung saan nabunyag na rin ang korapsiyon sa Armed Forces of the Philippines.

Ani Enrile, posibleng magduda ang publiko kung gagawin sa isang executive session ang hearing kung saan unang nakaladkad ang pangalan ni dating AFP chief of staff Angelo Reyes na pinaniniwalaang naging dahilan upang siya ay magpakamatay.

Mas mabuti na aniyang alam ng taumbayan kung ano ang nangyayari sa imbestigasyon at maaari lang ihirit ang executive session kung may mga bagay na ihahayag na malalagay sa alanganin ang seguridad ng bansa.

Pero kung nais umano ng resource persons na ihayag ang buong katotohanan sa isang executive session ay hindi niya ito kokontrahin.

Inihayag din ni Enrile na kinausap na niya ang mga senador at sinabihan na maging “civil” sa ginagawang trabaho.-Vicky Cervales

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply