Expose vs chiz dinedma

DINEDMA lang ng kampo ni Senador Francis Escudero ang expose ng whistleblowers group hinggil sa pagbalewala nito kay dating AFP budget officer George Rabusa na unang lumapit sa kanya hinggil sa planong pagsisiwalat ng kanyang mga nalalaman sa mga katiwalian sa Armed Forces of the Philippines.

Ayon sa Remate Expose investigative team, walang gustong magbigay ng reaksyon mula sa kampo ng senador para makuha ang panig nito kung may katotohanan ang ibinunyag ng isang kilalang personalidad mula sa whistleblowers group na hindi siya interesadong maglahad sa Senado sa pamamagitan ng privilege speech ng mga katiwalian sa AFP, kabilang ang multi-milyong paglulustay ng pondo ng militar, pasalubong at pabaon system sa mga chief of staff.

Matatandaan na isiniwalat ng babaeng whistleblower na nang kontakin niya si Sen. Escudero, sinabihan siya na kontakin na lang ang kanyang chief of staff kaya’t ipinagpalagay nila na hindi na ito interesado na maging daan para sa naturang pagbubunyag.

Dahil dito, napagpasyahan na lang ng kanilang grupo na lumapit kay Senador Jinggoy Estrada sa paniwalang ito ang makatutulong sa kanilang hangarin na isiwalat ang kanilang mga nalalaman.

Nang pumutok umano ang isyu ng mga katiwalian sa pondo ng militar sa tulong ni Estrada, saka sila tinawagan ni Chiz at tinanong kung bakit hindi na sila nakipagkita sa kanyang chief of staff.

Sinagot naman umano ng babaeng whistleblower ang senador na “ang arte-arte mo kasi kaya kay Sen. Jinggoy na lang namin idinulog ang mga isyu ni Rabusa.”

Nauna rito, sinabi ng naturang whistleblower na tinawagan siya ng isang city mayor sa Calabarzon area na siyang kumupkop kay Rabusa at sinabihan na siya na lang ang bahalang magdesisyon sa mga pagbubunyag nito.

Sa isinagawang pagdinig ng Senado, mariing isiniwalat ng dating AFP budget officer na tumanggap ng multi-milyong pasalubong at pabaon ang mga chief of staff ng AFP bukod pa sa milyon-milyong pisong tinatanggap ng mga ito buwan-buwan. Vicky Cervales/Ernie Reyes

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply