Fare hike sa LRT, MRT hindi dapat — DOTC

GINISA sa sariling mantika ng iba’t ibang sektor ng transportasyon ang Department of Transportation and Communications (DOTC) sa ikalawang araw ng ‘public consultation’ sa pagtaas ng pamasahe sa LRT at MRT.

Ayon sa report, napilitang aminin ng DOTC na walang batayan ang nasabing fare hike.

Matatandaang noong nakarang taon, ang naitalang gastos ng LRTA para sa operasyon, maintenance, at sweldo ng mga nagtatrabaho sa tren ay nasa P2.535 bilyon.

Nalikom naman mula sa mga ibinayad na pamasahe ng mamamayan ay P2.807 milyon, o mas malaki na ng tatlong daang milyon.

Ayon sa DOTC, lumobo ang gastos sa tren dahil sa bilyun-bilyong dagdag na gastusin para sa ‘interest, bad debts, depreciation,’ at kung-anu ano pang bayarin sa mga pribadong korporasyon. Nenet Villafania

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply