Fare hike sa MRT, LRT sa Marso 1 malabo pa

MALABO pa ring maipatupad sa Marso 1, taong kasalukuyan ang dagdag-pasahe sa Metro Rail Transit at Light Rail Transit.

Ipinaliwanag kahapon ni Transportation and Communications Secretary Jose de Jesus na pinagbabasehan pa ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority kung itutuloy,ipagpapaliban na lamang, sususpindihin o magbibigay na lang ng diskwento sa mga estudyante.

Aniya, bagamat nananatili sa itinakdang araw ang pagpapatupad ng dagdag-pasahe, maiiba ito kung sakaling magbitaw ng salungat na desisyon ang pamunuan ng LRTA.

Samantala, sakaling maipatupad ang taas-pasahe ang orihinal na minimum sa pasahe ng MRT na P10 ay magiging P15, ang P15 na end-to-end trip ay magiging P30 na, habang ang LRT line 1 at 2 ay magpapatupad din ng kaparehong dagdag-pasahe.-Analyn Rebuya

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply