Fare hike sa MRT/LRT nakabitin pa

MATAPOS ang dalawang araw na public consultation tungkol sa dagdag na pasahe hindi pa maipatutupad ang nakaambang fare increase sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) dahil hindi pa umano idinadaan sa masusing deliberasyo.

Ayon kay LRTA Spokesperson Atty. Hernando Cabrera iipunin pa nila ang lahat ng inputs, saloobin at posisyon ng mga lumahok sa konsultasyon at dadaan ito sa technical working group bago isalang sa pamunuan ng MRT at LRT na siya namang gagawa ng pinal na desisyon.

Dahil dito hindi pa umano ito maipatutuapad sa buwan ng Marso hangga’t walang napagde-desisyunan ang panel.

Kasama sa mga nakilahok sa konsultasyon ang iba’t ibang organisasyon ng mga kabataan gayundin sina Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Rafael Rodriguez at Transportation and Communications Undersecretary Dante Velasco na kasama sa panel.

Una rito, sinalubong ng kilos protesta ng militanteng grupo ang public consultation kaugnay sa MRT/LRT fare hike at kanilang ipinagsigawan na hindi sila sang-ayon dito.

Paliwanag ng pamunuan ng MRT at LRT, umaabot na sa P11 billion ang lugi ng gobyerno para mapanatiling abot kaya ang pasahe. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply