Anim buwan fetus bumara sa toilet bowl

DAHIL sa baradong toilet bowl kaya natagpuan ang fetus na itinapon sa loob ng isang comfort room sa Pasay inulat Huwebes, Pebrero 3.

Natuklasan ang fetus na tinatayang nasa 5-6-buwan makaraang susihin ng may-ari ng bahay ang nagbabarang toilet bowl sa 188 Primero de Mayo, Pasay City, kaninang umaga.

Agad ipinagbigay-alam sa mga pulisya ni Brgy. Kagawad Ariel Atienza, 46, ng Brgy. 71, Zone 9 ang pagkakatuklas sa fetus na isinilang na wala sa panahon ng kayang ina.

Sa pagsisiyasat, inamin ni Gemma Gonzales, 30, ng nasabing lugar na kanya ang nakitang fetus.

Ikinatwiran pa nito na hindi niya alam na siya ay buntis at kaninang umaga lamang sumakit ang kanyang tiyan kaya nagtungo siya sa palikuran.

Hindi umano niya akalain na sa kanyang pagdumi ay sumama ang fetus at nai-flush niya sa kubeta dahilan kaya iyon nagbara.

Nagtataka naman si SPO2 Joel Joel Landicho kung bakit sinubukan pa ni Gonzales na i-flush ang toilet bowl kahit batid na nitong may lumabas sa kanyang puwerta.

Inaalam na ng awtoridad kung sasampahan ng kaso batay sa paglabag sa Article 256 ng Revised Penal Code (Intentional abortion) ang ina ng fetus. Johnny F. Arasga/Amor Virata/ Photo by Sam Labradores

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply