Fetus iniwan sa banyo ng Jollibee

ISANG fetus na nakalagay sa paper bag ang iniwan sa loob ng comfort room sa isang sangay ng Jollibee sa Caloocan City, Sabado ng madaling-araw, Pebrero 5.

Tinatayang nasa apat hangang limang buwan ang fetus na pinangalanang Baby Angel.

Batay sa ulat, alas-dos ng madaling-araw habang nililinis ni Erwin Canwa ang pambabaing comfort room ng Jollibee sa 10th Avenue at A. Mabini st., nang mapansin ang isang paper bag.

Nang buksan ay tumambad sa kanya ang isang fetus na naging dahilan upang ipagbigay alam niya agad ito sa mga pulis.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang nag-iwan ng fetus sa nasabing  food chain. Rene Manahan

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply