Fetus sa basurahan napulot

ISANG kakalaglag pa lamang na fetus ang napulot ng isang street sweeper sa isang basurahan sa Quezon City, Miyerkules ng umaga, Pebrero 9.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang fetus ay may bahid pa ng dugo ng dalhin sa kanilang tanggapan, tinatayang nasa anim na buwan.

Sinabi pa sa ulat ng Quezon City Police District Station 6 Batasan na dakong 9 ng umaga habang nagwawalis si Annalyn Torrecampo sa Samadores st., Brgy. Old Balara, Quezon City nang makita ang plastic bag sa basurahan na ang laman ay sariwang fetus.

Agad ipinagbigay alam ni Torrecampo ang nakita sa pulisya na agad namang rumesponde sa lugar.

Pinaghahanap na ng awtoridad ang walang  pusong ina ng fetus at kasabwat nitong aborsiyonista para panagutin sa krimen.  Santi Celario

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply