FEU grad nanguna sa Physician Licensure Exam

NANGUNA si Eleanor de Guzman ng Far Eastern University (FEU)-Nicanor Reyes Medical Foundation sa katatapos na Physician Licensure Examination na ibinigay ng Board of Medicine ng Professional Regulations Commission (PRC) ngayong Pebrero.

Nakakuha si De Guzman ng 86.33 percent sa nasabing pagsusulit.

Samantala, 655 ang nakapasa mula sa 1,230 na kumuha ng pagsusulit sa pagka-doktor o 53.25 percent ng kabuuang kumuha ng eksaminasyon.

Nagpatawag ngayong hapon ng press conference ang PRC para pormal na i-anunsyo ang resulta ng licensure exams.

Isasagawa naman ang oathtaking ng mga nakapasa at nang mga hindi pa nakapanumpa sa March 14 sa Philippine International Convention Center (PICC), Manila. Bineza Zapanta

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply