FEU nanalasa sa UAAP athletics

UMARARO nang todo ang Far Eastern University (FEU) Tamaraws matapos sungkitin ang men’s and women’s UAAP athletics titles matapos ang four-day competitions sa 73rd track and field tournament sa PhilSports Complex sa Pasig City.

Sumangkal ang Tamaraws kay Jhonrey Bardos sa pamamagitan ng 4×400 meter relay team na tumalo sa Season 72 champion University of the East.

Naging mahigpit ang labanan para sa men’s overall crown.

Kumolekta naman ang FEU ng 202 points laban sa 201 ng UE dahilan upang makuha muli ang titulo na una nilang nasikwat noong 2008.

Ito na ang 19th overall men’s title ng Tamaraws sa hanay ng athletics.

“We’ve won more gold medals than last year, and my athletes improved their personal best times,” wika naman ni FEU women’s coach at dating Palarong Pambansa champion Roselyn Hamero.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply