First batch ng lumikas sa Egypt darating na sa bansa

KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagdating ngayong araw, Pebrero 6 ng 26 overseas Filipino workers (OFWs) na boluntaryong nagpalikas sa Cairo, Egypt.

Ayon kay DFA spokesperson Ed Maglaya. kabilang sa mga babalik ng bansa ang 16 Filipino mula sa Maadi ares sa Cairo, tatlo ang nasa Dar Al Fouad Hospital sa Giza, lima ay nasa Nasr City at dalawa ay nasa pangangalaga ng Filipino Workers Resource Center sa Embahada ng Cairo.

Ang mga nagpasyang bumalik sa bansa ay mga Filipino na nagtatrabaho, naninirahan at nag-aaral sa naturang Egypt matapos sumiklab ang kilos-protesta dahil sa panawagang pagbaba sa kapangyarihan ni Pangulong Hosni Mubarak.

Naging madali ang pag-proseso ng mga dokumento sa pagpapauwi sa 26 Filipino bunga na rin ng ginawang ayuda ng tanggapan ng International Organization for Migration (IOM) sa Cairo at ng organisasyon ng Filipino community. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply