First batch ng OFWs patawid na ng border ng Libya, Egypt— DFA

TATAWID na sa border ng Egypt ang unang batch ng overseas Filipino worker (OFWs) na lumikas sa Libya dahil sa malawakang kaguluhan doon, para makauwi na ng Pilipinas.

Ayon kay Atty. Ed Malaya, spokesperson ng Department of Foreign Affairs (DFA), kasalukuyan nang nasa border ng Libya at Egypt si Consul General Renato Dueñas Jr., ang naatasang sumundo sa nasabing batch ng OFW.

Dito sasalubungin ni Dueñas ang mga OFW sa pangunguna ng isang Engr. Judith Tubera.

Ang bilang ng nasabing batch na pinangungunahan ni Tubera na galing Tobruk ay hindi pa tukoy dahil sila ay pawang walang pasaporte.

Susundan umano ang grupo ni Tubera ng secong batch na binubuo ng 24 OFW.

Samantala, nasa border naman ng Libya at Tunisia ang isang grupo ng OFW mula sa Embahada ng Pilipinas na galing ng Cairo, Egypt na sasalubungin naman  ng mga Pinoy na magbubuhat sa bahagi ng Tripoli.

Kinumpirma rin ni Malaya na may pahintulot na ng gobyerno ng Tunisia ang pagbibigay ng landing rights sa lalapag na chartered planes na maglilikas sa nasabing OFWs. Bineza Zapanta

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply