Fiscal John Resado inireklamo ng pamamaril

IPINAGHARAP ng reklamong pamamaril ang isang state prosecutor na dating may hawak sa kaso ng Alabang Boys ng kapitbahay nito sa Quezon City, iniulat  Biyernes ng hapon.

Kinilala ang inireklamo na si State Prosecutor John Resado, ng Department of Justice (DOJ).

Ipinagharap ng reklamo ang salarin ni Carlo Lim, ng 40 Ilagan st., Bgy. Paltok, Quezon City.

Sa ulat ng Quezon City Police District Station 2 Masambong, naganap ang insidente 10:45 ng hapon, Huwebes sa 40 Ilagan st., Brgy. Paltok, nasabing lungsod.

Sinabi ni PO2 Ferdinand Tobias, radio operator ng QCPD station 2 na dumating umano ang nakainom na si Resado sa kanilang bahay at galit na bumaba ng kanyang Honda Civic dahil hindi makaparada bunga ng nakaparadang kotse ng complainant.

Ayon pa sa ulat, sinipa ng piskal ang kotse ng complinant saka nagpaputok ng kanyang baril dahilan para tamaan ang kotse ng biktima.

Matapos ang insidente ay tumakas ang piskal.

Ayon sa ulat, si Resado ang dating humawak sa kaso ng kontrobersyal na Alabang Boys na nadakip ng operatiba ng PDEA. Santi Celario

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply