Fiscal ng ‘Alabang Boys’ pananagutin sa pamamaril

PAIIMBESTIGAHAN ni Chief State Prosecutor Claro Arellano ang insidente ng pamamaril na kinasangkutan ng kontrobersyal na fiscal ng Department of Justice (DOJ) sa Quezon City nitong Pebrero 2.

Ayon kay Arellano, hindi nila kukunsintihin ang ginawa ni State Prosecutor John Resado.

Kasabay nito, tiniyak ni Arellano na hindi nila pagtatakpan ang gagawing pag-iimbestiga kay Resado.

Agad din umano silang makikipag-ugnayan sa awtoridad para masimulan na ang pagsisiyasat.

Kapag napatunayan umanong nakagawa ng paglabag sa batas si Resado ay hindi sila mangingimi na patawan siya ng kaukulang parusa.

Sa ulat ng Quezon City Police District Station 2, nahaharap sa reklamo si Resado makaraang barilin ang kasintahan ng may-ari ng tinutuluyan niyang bahay sa Barangay Paltok sa Lungsod ng Quezon.

Hinihinalang si Resado ay nakainom nang mangyari ang pamamaril kung saan nasugatan ang biktimang si Carlo Lim.

Si Resado ay naging kontrobersyal dahil inakusahan itong tumanggap ng suhol kapalit ng pagbasura sa reklamong isinampa ng PDEA laban kina Richard Brodett, Jorge Joseph at Joseph Tecson na mas kilala sa tawag na Alabang Boys. Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply