Forced evacuation iniutos na sa Caraga

BUTUAN CITY- Inilagay na ang buong rehiyon sa alert level 3 dahil sa patuloy na paglakas ng ulan.

Iniutos na rin ng Office of the Civil Defense (OCD-Caraga) ang force evacuation sa lahat ng mga residente sa rehiyon lalo na sa mga nakatira sa landslide at flashflood prone areas.

Kaugnay nito, suspindido na ang klase sa lahat ng antas at wala na ring pasok ang mga mga manggagawa sa mga pribado at pampublikong kompanya.

Ayon kay OCD-Caraga regional director Blanche Gobenciong, regional director ng OCD-Caraga na kung kakailanganin ay gagamit na ng dahas para sa mga residenteng hindi susunod sa utos na force evacuation ay kanilang gagawin para aniya maiwasan na magkaroon ng casualties.  Bineza Zapanta

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply