Forced evacuation sa OFWs sa Libya iniutos

KUNG nitong nakaraan ay voluntary repatriation lamang ang inilaan ng gobyerno sa overseas Filipino workers (OFWs) na naiipit sa malawakang kaguluhan sa Libya, ngayon ay mandatory evacuation na ang ipatutupad ng pamahalaan.

Ito ay bunsod na rin sa lumalalang sitwasyon sa nasabing bansa at patuloy na paghingi ng OFWs mula Libya ng tulong sa pamahalaang Aquino.

Sa pamamagitan ng Internet ay ipinarating nila ang kanilang kalagayan sa nasabing bansa.

Anila, hirap sila sa kasalukuyang sitwasyon at gutom na ang inaabot nila dahil hindi rin sila makalabas ng kanilang mga tinutuluyan.

Bilang bahagi ng contingency plan, pinaghahandaan na ng Palasyo ang mandatory evacuation sa mga Pinoy sa Libya.

Inihayag ni  Foreign Affairs Undersecretary Esteban Conejos sa isang press conference na isasagawa na ang sapilitang paglilikas sa OFWs sa mga itinakdang evacuation centers oras na ligtas nang umalis sa nasabing lugar.

Ani Conejos, may utos na ang Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na gamitin ang lahat ng resources ng pamahalaan para maiuwi na ang OFWs mula doon, kasama na ang paggamit ng mga commercial flight.

Kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan ang pamahalaan sa International Organization for Migrant Workers upang matulungan ang mga Pinoy na lumikas mula sa kanilang mga tinutuluyan papunta sa mga itinakdang evacuation center sa Libya tulad ng Benghazi International Airport, dalawang Filipino school sa Benghazi at isang simbahan sa Tripoli.

Samantala, inatasan naman ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ng Pangulong Aquino na gumawa ng paraan upang magkaroon ng komprehensibong datos kung saan ang exact location ng mga mangagawang Pinoy sa Libya.

Sinabi rin ni Conejos na inihahanda na ng pamahalaan ang contingency plan para sa mga OFWs sa Yemen at Bahrain. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply