Foreign languages ituturo na sa high school – DepEd

SISIMULAN na ng Department of Education (DepEd) ang pagtuturo ng foreign languages sa high school para palakasin ang international competitiveness ng mga graduate sa bansa.

Sinabi ni Director Lolita Andrada, Chief ng Bureau of Secondary Education ng DepEd, na nais nilang ihanda ang Filipino students at gawing mas competitive ang mga ito sa global arena.

Nabatid na sa kasalukuyan, ang English ang unang foreign language na mina-master ng mga piling secondary students, habang ang iba pang foreign languages na itinuturo sa mga third at fourth year student ay ang Spanish, French, Japanese at German, sa ilalim ng Special Program in Foreign Language ng kagawaran.

Sinimulan ng DepEd ang pagtuturo sa mga piling school ng Spanish, Japanese at French noong school year 2009-2010, habang ang German naman ay itinuturo na rin simula nitong school year 2010-2011.

Ngayong school year 2011-2012, sisimulan na rin ng DepEd na ituro ang Mandarin, na widely-used language sa world economic power na China at Arabic na ginagamit na salita sa Middle East.

Sinabi ni Andrada na idinisenyo ang Special Program in Foreign Language para sa mga paaralan na ang mga mag-aaral ay nagpapakita ng competence sa English para maging mas madali sa mga ito ang mag-aral ng iba pang foreign language.

Sinimulan ang programa sa pampublikong secondary schools, na may speech laboratory, para sa mga mag-aaral na nasa huling dalawang taon na ng high school.  Apat na oras umano ang inilaan kada linggo para sa pag-aaral ng dayuhang lengguwahe.

Para ihanda naman ang mga guro sa pagtuturo ng foreign language, nakipag-ayos na ang DepEd sa Instituto Cervantes para sa pagtuturo ng Spanish, sa Japan Foundation Manila para sa pagtuturo ng Japanese at sa Alliance Francais para sa French at sa Goethe Institute para sa pagtuturo ng German.

Ang Spanish ay itinuturo na umano sa 54 high schools, ang Japanese ay sa 12 high schools habang ang French ay sa 12 high schools at ang German ay sa siyam na paaralan sa buong bansa. Jhie Convocar

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply