Full military honors iginawad kay Reyes

MADAMDAMIN ang huling pagpapaalam kay dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Angelo Reyes na inilibing alas dose ng tanghali kanina, Pebrero 13 sa Libingan ng mga Bayani nang bigyan siya ng full military honors.

Mula sa St. Ignatius Chapel sa loob ng Camp Aguinaldo, dinala ang labi ni Reyes patungong Libingan ng mga Bayani sakay ng puting caisson na pinalilibutan ng puting orchids.

Pagdating sa gate ng Libingan, sinimulan ang full military honors na kinabibilangan ng lahat ng sangay ng AFP at Philippine National Police (PNP) na umabot sa isang batalyon.

Buhat ng mga star general ang kabaong ni Reyes saka inilatag ang kanyang labi sa ibabaw ng caisson na maghahatid sa Dignitary Section ng Libingan ng mga Bayani.

Habang lumalakad ang caisson patungo sa huling hantungan, nagsabog ng puti at pulang rosas ang isang helicopter ng Philippine Air Force (PAF) matapos ang 19 gun salute sa dating heneral.

Masyadong madamdamin ang paghahatid kay Reyes na tila ihahatid ang isang “nawalang” kaibigan ng militar dahil bukod sa mga sundalo at opisyal ang dumalo, dumagsa rin sa  libing ang libong mamamayan kabilang ang ilang personalidad sa gobyerno at pribadong sektor na gustong sumilip sa dating kalihim.

Bago lumakad ang caisson na magdadala kay Reyes sa huling hantungan, isang sulat-kamay ng apo ni Reyes ang inilagay sa loob ng kabaong na hindi na binasa ngunit naghudyat ng pagtulo ng luha sa ilang nakamasid.

Mula sa gate matapos ang paggawad ng military honors ng isang batalyong sundalo, saka umusad ang caisson patungo sa libingan. Pagdating sa Dignitary Section  ng Libingan ng mga Bayani, ihihimlay ang dating kalihim malapit sa puntod ni Maximo V. Soliven.

Mababakas sa mata ng lahat ng mga dumalong opisyal at pangkaraniwang sundalo ang luhang matagal nang inipon sa pagdadalamhati sa pagkawala ng dating “boss” sa AFP.

Sa huling pagpapaalam bago tuluyang inilibing ang kalihim ay muli siyang binigyan ng 21 gun salute.

Pitong sundalo ng mga sangay ng AFP din ang nagpaputok ng kanilang riple ng tatlong beses bilang hudyat ng huling pagsilip sa labi ng dating heneral. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply