FVR, GMA, VIPs nakiramay

BUMUHOS sa burol ni dating AFP Chief of Staff Angelo Reyes sa Ascension Chapel ang mga dating kasamahan nito sa gabinete ni dating Pa-ngulong Gloria Arroyo gayundin ang mga dating Pangulong sina Fidel V. Ramos at GMA; dating Unang Ginoo Mike Arroyo at dating Social Security System President Romulo Neri.

Ayon kay Neri, kahit sa panaginip ay hindi niya akalain na papatayin ni dating AFP chief of staff at DND Sec. Angelo Reyes ang sarili.

Nakiramay rin ang cabinet secretaries sa ilalim ng Arroyo admin na sina Esperanza Cabral (DoH), Agnes Devañadera (DoJ), Norberto Gonzales Jr. (National Security Adviser), Prospero Pichay Jr. (ex-LWUA administrator).

Pumunta rin sa burol ni Reyes si dating Presidential Political Adviser Gabriel Claudio, dating Deputy Presidential Spokesman Gary Olivar, dating TESDA head Augusto Syjuco at dating PDEA chief Dionisio Santiago.

Nakiramay rin sina dating Senador Richard Gordon, Ramon Magsayay, Jr., dating Interior Sec. Rafael Alunan, Chief Justice Renato Corona, PPCRV head Henrietta de Villa at anti-crime crusader Teresita Ang-See.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply