Gabriela mamumudmod ng condom

MAMUMUDMOD ng condom at iba pang contraceptives ang mga miyembro ng Gabriela Women’s Partylist Sabado, Pebrero 26.

Anila, lahat ng babae ay may karapatang magkaroon ng access sa reproductive and maternal healthcare services at impormasyon kaugnay nito.

Iginiit ni Gabriela Women’s Party Representative Luz Ilagan na makaluma na ang sinasabi ng Simbahang Katoliko na natural contraceptives dahil may karapatan na ngayon ang mga kababaihang makapili ng nais nilang gamitin para makontrol ang pagdami ng kanilang anak.

Aniya, nakakadismaya ang bagong ordinansang ipinasa ng Bgy. Ayala Alabang sa Muntinlupa City, kung saan pinagbabawalan ang mga botika o parmasya sa buong Bgy. Ayala Alabang na magbenta ng contraceptive pills na walang prescription.

Kung pati condom ay kailangan pa ang prescription, mahihirapan umano ang mga nakatira sa nasabing barangay na magplano ng pamilya.

Ipinagbabawal din umano ang pagtuturo ng sex education sa lahat ng pampubliko at pribadong iskwelahan sa Bgy. Ayala Alabang ng walang konsultasyon at written permission ng magulang o guardians.

Bilang protesta, sila umano mismo ang mamimigay ng condom at iba pang contraceptives sa nasabing lugar.

Anang lady solon, hindi lahat ng nakatira sa Ayala Alabang ay mayayaman.

Aniya, may mga mahihirap na nakatira sa malapit lamang at sila ang higit na maapektuhan ng nasabing ordinansa.
Binigyang diin pa niya na pinakamataas na porsyento ng namamatay sa panganganak ay mahihirap dahil wala silang sapat na pambayad sa mamahaling ospital.

Ayon naman kay Gabriela Rep. Emmi de Jesus, handa silang labanan ang nasabing ordinansa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng tinatawag nilang “ALABANG RH FESTIVAL” sa Bgy Cupang Elementary School, Alabang, Muntinlupa.

Magkakaroon umano sila ng forum sa Reproductive Health at medical mission na magbibigay pansin sa reproductive healthcare ng kababaihan. Nenet L. Villafania

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply