Game 7 ipipilit ng SMB

ISA pa nga! Ito ang kapwa panawagan ng Talk N’Text at ng San Miguel sa ika-6 na salpukan nito sa Araneta Coliseum.

Mahalaga sa Beermen ang panalo para maitabla ang 3-2 slate na kalamangan ng Tropang Texters na ang pinakahuling panalo ay ang pagwawasiwas ng tropa ni coach Chot Reyes laban sa team ni neophyte coach Ato Agustin, 99-77 sa Big Dome na sinaksihan ng 35,000 na dumagsa sa coliseum.

Isa na lang at tatanghaling kampeon ang Tropang Texters at isa pa rin para maisaayos ng Beermen ang winner-take-all Game 7 ng PBA Philippine Cup.

Nagsisipagsanay na ang Beermen sa inihahandang plays ni coach Ato Agustin na kokontrol sa manlalaro ng Texters na nagpahirap sa kanila sa Game 5 tulad nina Ranidel de Ocampo na kumana ng 20, Ryan Reyes na kagagaling lang sa USA na bumanat ng 10 bukod sa 7 boards at 5 assists, Ali Peek, Harvey Carey at Kelly Williams na tumotal ng 18.

Malaking abante ang 3 triples ni Larry Fonacier na tuluyang nagpaalagwasa Texters 93-70 sa huling 4 minuto ng final quarter.

Tulad ng tres ni Fonacier nakapagbuslo rin ang Cebuano hotshot na si Dondon Hontiveros ng 3 triples sa 2nd quarters na pumigil pansamantala sa paglayo ng Tropang Texters sa first half. RT

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply