Game of the generals puno ng death threats

NAGIGING almusal, pananghalian at panghapunan nina ex-Lt. Col. George Rabusa at ex-Auditor Heidi Mendoza ang mga death threat makaraan silang maglabas ng mga balita ukol sa matitinding katiwalian sa militar.

Kaya naman kinanlong na sila ng Department of Justice at ipinasailalim sa witness protection program.

Pinag-uusapan na rin ang pagkanlong din sa mga miyembro ng pamilya ng dalawa dahil tiyak umanong madadamay lang ang mga ito.

Para sa dalawa, kaya nilang dalhin ang lahat, maging ang kamatayan bilang kapalit ng katotohanan, katarungan at bagong kaayusan sa pamahalaan.

Kaya lang ay mabigat na isiping maging ang mga minamahal nila sa buhay, gaya ng kanilang mga pamilya, ay nadadamay na rin.

Sa puntong ito, dapat na mabilis na kumilos ang pamahalaan para iligtas ang mga ito sa kapahamakan sa gitna ng kahandaan na magpusta ng buhay ang dalawa.

Kung iisipin, hangga’t buhay ang mga isinasangkot nina Rabusa at Mendoza na mga heneral sa katiwalian, masasabing ganundin katagal ang buhay ng mga death threat na matatanggap ng dalawa.

Maaaring habambuhay pa nga na manganganib ang dalawa at ang kanilang mga pamilya. Kaya naman, malaking katanungan kung hanggang kailan ang suporta ng pamahalaan sa mga ito.

Tandaan, marami nang whistle blower ang pinabayaan ng pamahalaan makaraang mapakinabangan ang mga ito.

Yang weder-weder sa pamahalaan ang isang babantayan din dahil sa pagpalit ng administrasyon, nababaligtad ang lahat.

Baka isang araw, eh, makita na lang natin na sina Rabusa at Mendoza ang nakabilanggo at mas malaya pa sa ibon ang mga dapat na mabilanggo.

oOo

Napakatindi talaga ang game of the generals ukol sa katiwalian.

Napapansing higit na may pagkakaisa ang mga heneral at higit pa rito sa sumpaan mag-asawa sa promise nilang “In sicknes o in health, for better o worst till death do us part.”

Pero naniniwala tayong higit na mamamayani pa rin sa mga heneral ang pagmamahal sa bayan sa isipan, puso at kaluluwa.

“Di ba, General Rodolfo Biazon?

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph- Benny Antiporda

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply