GenSan, nilindol ng magnitude 6.6

NILINDOL ang General Santos City na may magnitude na 6.6 bandang 10:30 ng gabi, Enero 10, 2011.

Batay sa pahayag ni Bedoria Abdullah, science research specialist ng Philvolcs-Gensan, natagpuan ang epicenter ng lindol sa lalim ng 528.4 kilometers sa Celebes Sea na may layong 325 kilometro timog kanluran ng General Santos.

Nabatid na tectonic ang origin ng naturang lindol.

Nilinaw naman ni Bedonia na initial result pa lamang ang naturang ulat at may posibilidad pa itong magbago.

Wala namang naitalang nasugatan o nasirang ari-arian sa naturang paglindol. Marj Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply