Geoff Eigenmann pissed off kay Carla Abellana

MAGANDA ang parehas nina Geoff Eigenmann at Carla Abellana at aminado naman sila na mag-steady na nga sila, hindi tulad ng iba diyan na bukong-buko na at huling-huli na sa akto ay deny to death pa rin. Nakakatuwa pagmasdan at marami pala ang kinikilig sa samahan nila pero ibang klase pala kapag ang dalawang magsing-irog na ito ay nagtuksuhan at nag-asaran dahil nauuwi sa hindi maganda lalo sa parte ni Geoff na madaling mapikon.

“Talo ako ni Carla sa asaran kasi madali akong mabugnot. She really pisses me off,” amin ni Geoff in an interview. But dahil aminado rin na mahal niya, hindi niya makuhang magalit, kaya wala siyang magawa kundi tameme  na lang.

Sa panig naman ni Carla, nilalabanan daw siya lagi ni Geoff, lagi daw namang siyang talo, sabay tawa na parang nakakainsulto. Pero, inamin ni Carla na hindi rin niya mapalawig ang panunukso kay Geoff, agad daw niyang nilalambing dahil takot siya na baka mauwi sa tunay na pagkagalit ang kanyang BF.

Pareho silang natutuwa at magkasama ulit sila sa isang teleserye sa GMA 7, ang “Magic Palayok” na magsisimula ngayon sa Drama Rama sa hapon bago mag- “24 Oras.”

Huli silang nagkasama sa Basahang Ginto. Pinangungunahan ng batang si Angeli Nicole Sanoy, Manilyn Reynes, Cherrie Chynna Ortaleza, Jay R at marami pang iba.

DIREK JOEL LAMANGAN, SA KAGAGAWA NG SUMASAYAW NA TALONG, NAWALA ANG ‘EL PRESIDENTE’

Ang una palang choice ni Gov. Jeorge Estregan para mag-direk ng El Presidente na halaw sa buhay ni Gen. Emilio Aguinaldo ay walang iba kundi si Direk Joel Lamangan. Pero dahil masyado siyang busy sa paggawa ng sumasayaw na talong na kailangan sa eksena sa “Magic Palayok,” hindi niya agad nasagot ang tawag sa kanya ni Jeorge at hindi rin siya nakapag-return call. Ang resulta, napunta ang project kay Tikoy Aguiluz na ayon kay Direk Joel ay okey rin naman.

Itinuturing niyang isang pahinga sa mga mabibigat na directorial job ang ginawa niya sa “Magic Palayok” dahil ito ay pang-bata at walang mabibigat na eksena na kailangan niyang ulit-ulitin at abutin ng mahabang oras sa taping. Siya ang sobrang relax, kasing  relax at very light gaya ng pagsasabi niya ng: “Gumagawa ako ng sumasayaw na talong, kangkong, oh, di ba?,  at kung ano-ano pang mga gulay na kailangang ilagay sa magic palayok. Masarap at nakakatuwa dahil pang-bata nga.”

Isa pang nakakatuwang kuwento ni Direk Joel ay kasama si Mike Cojuangco-Jaworski, in her comeback flick as the original keeper of the enchanted clay pot and the doting mother of Angeli Sanoy. Kaso, kailangan daw niya agad patayin ang character niya kasi nakiusap sa kanya na hindi pwedeng magtagal sa siyuting because hands-on daw si Mikee sa mga anak  niya. ‘Yun na! Evelyn Diao

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply