Gerald Santos ‘di uso ang ka-lovey-dovey sa Valentine’s show

GUSTO yatang magpa-uso si Gerald Santos. Tulad ng kanyang mga show na pag-sinabing solo, wala talaga siyang kasamang ibang sikat na mang-aawit.  Kaya naman, pati ba sa kanyang Valentine show sa February 14 ay wala siyang isasamang ka-lovey-dovey na aawitan ng love songs.

“Nand’yan naman ang mga manonood na girls, sila ang aawitan ko.  Dapat kasi magiging espesyal sila dahil sila ang nagbabayad para panoorin ako.  Nand’yan ang mga fans na haharanahin ko sa Valentine Day.”

Ayon sa kanyang manager na si Rommel Romilo, matagal nang nagko-concert ang kanyang alaga ang problema lang, hindi masyadong publicized.  Hataw daw ito noong palagi siyang napapanood sa Walang Tulugan ni Kuya Germs at noong panahong medyo pinagsungitan sila ng suwerte ng ilang tao.

Nasa dressing room kami ng Zirkoh-Morato noong palabas ang Lav Haus kung saan bida sina Gerald Santos at Angelica Panganiban.  Dito namin nakausap ang mang-aawit na halatang masaya dahil ayon dito, ‘nasungkit’ na nito ang kanyang minimithing pangarap.

Kahit hindi pa nito puwedeng sabihin ang kanyang ‘sungkit’ ay hindi nito nahindian ang aming paglalambing na kakulitan at presto, inamin nitong magiging regular siyang mapapanood sa ‘Funtastik ng TV5.

“Magre-reformat ang PO5 at papalitan ang titulo ng Funtastik,” maigsi nitong pahayag pero para sa amin, tama na ang nasabing detalye dahil tiyak naman, kapag ang isang show ay nag-reformat, may matatanggal, may madadagdag at isa na siya sa madadagdag.

Inamin nitong kasagutan na ang kanyang pagkasama sa Funtastik sa kanyang mga dasal.  Wala na sa kanya ang bitterness dahil sa naging kapalaran nito sa kanyang home studio na nagdiskubre pa mandin sa kanya sa pamamagitan ng kanilang own-produced singing contest kung saan siya ang naging grand winner.

Masaya na sana siya dahil palagi siyang napapanood sa Walang Tulugan ni German Moreno pero para daw siyang sinakluban ng langit nang inalis siya sa programang pangmadaling-araw dahil nakita siyang nag-guest sa show ng TV5 at nabalita na rin ang hangarin nitong lumipat ng ibang network.

Mayroon pa pala siyang pangarap na gustong ‘masungkit’ ngayong Year of Metal Rabbit, ang pag-arte at mapasama sa sa isang serye.  Napasama siya sa isang movie ni Jolina Magdangal, ang Love Boat kung saan, pumapel siyang kapatid ng mang-aawit.

Inamin nitong maliban sa pagkanta ay nasa dugo rin ang pag-arte, kaya naman hinahanap-hanap niya ito.  Ikinatuwa nito ang positive feedback ng pakipag-meeting ng kanyang manager sa management ng TV5 dahil mukhang may pag-asang isa pang pangarap nito ang masusungkit sa taong ito.

Speaking of show, maraming natuwa sa ginawang performance ni Gerald sa Love Haus noong February 5 sa Zirkoh-Morato.

Kapansin-pansin ang kakayahan nitong mag-solo concert dahil sobra ang kanyang stage presence at confidence sa kanyang binibitiwang adlib na sobrang kinagigiliwan ng manonood.

Kaya naman, kahit wala siyang kapareha sa kanyang solo concert ngayong Valentine’s Day entitled on the ‘On The Wings of Love na gaganapin sa Techowave ng IL Terazzo sa may Morato ay tiyak nitong mapapasaya ang kanyang mga tagahangang babae dahil haharanahin niya ang mga ito ng ‘love songs.’

DRA. AMY TINAZA, BAGONG MAMAHALIN NG MGA TAGA-SHOWBIZ

Kahit hindi Valentine’s Day, tuloy pa rin ang Valentine price ng AMT Clear Skin Facial Center na pag-aari ni Dra Amy Bautista-Tinaza na matatagpuan sa ikatlong palapag ng Victory Grand Mall sa Monumento, Caloocan City.

Mayroon siyang pinagpipiliang tatlong celebrities na gagawin nilang celebrity enddorser at itataon nila ang pilian pagbubukas ng kanilang klinika sa isang malaking mall.

Dahan-dahang nakikilala ngayon si Dra Tinaza sa showbiz dahil sa kanilang affordable price ng kanilang serbisyo.  Naka-focus ang kanilang serbisyo sa mukha lamang ng pasyente dahil mukha ang kanilang field of specialization.

No doubt about it dahil kinikilala si Dra Tinaza ng American Academy Anti-Aging Medicine noon pang April 17 2006 bilang aktibong miyembro ng A4M, a society ofPhysicians and Scientists na ang tungkulin ay bigyan ng magandang kalidad at papahabain ang buhay ng tao. Alex Datu

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply