German national tumalon sa Rich Tower, lasog

KINUMIRMA ni Makati City Police Chief S/Supt. Froilan Bonifacio na nagpakamatay ang German national at hindi Caucasian na naunang iniulat na aksidenteng nahulog sa ika-16 palapag ng Rich Tower, sa Makati City, Miyerkules Pebrero 2, ala-una ng hapon.

Ang biktima ay kinilalang si George Mueller, 62, residente ng Rich Tower, Ayala, Urdaneta Village.

Batay sa impormasyon, ang biktima ay paalis sana ng bansa patungong Bangkok mamayang gabi para magpa-rehab

Nabatid sa asawa ng dayuhan na kinilalang si Marie, ang biktima ay bayolente at madalas na naglalasing na tinitingnang anggulo kaya nahulog ito sa nasabing gusali.

Hindi naman isinasantabi ng awtoridad na nagkaroon ng foul play sa pagkakahulog ng biktima. Johnny F. Arasga/Amor Viarata

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply