Gesta handa na kay Trazancos

NAKAHANDA na si Pinoy welterweight rising prospect Mercito Gesta sa kanyang Bay Area debut Sabado, Pebrero 19, sa laban niya kay Genaro Trazancos sa Longshoreman’s Hall sa San Francisco.

Una nang umani ng KO win sa ika-pitong round si Gesta laban sa Mehikano noong 2010.

Nakilala si Gesta (20-0-1, 10 KOs) sa kanyang galing dahil na rin sa walang dungis nitong kartada.

Patutunayan umano ni Gesta na kaya niyang sundan ang yapak ni Manny Pacquiao dahil na rin sa agresibo at offensive-minded style nito.

Sa weigh-in kahapon ay tumimbang si Gesta ng 140 lbs habang si Trazancos ay 138.5 lbs. GP

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply