Gesta pupulbusin si Trazancos

NANGAKO si lightweight prospect Mercito “No Mercy” Gesta (20-0-1, 10KOs) na dudurugin si Genaro Trazancos (22-13-1, 13KOs) ng Mexico City, Mexico sa kanilang muling pagtutuos sa Pebrero 18.

Si Gesta ay kasalukuyang nagsasanay sa Wild Card Gym sa Hollywood, CA para paghandaan si Trazancos sa kanilang bout na isasahimpapawid sa Telefutura’s “Solo Boxeo Tecate.”

Ilan sa mga pinabagsak ni Gesta ay si Ivan Valle sa two rounds via spectacular KO kung saan si Freddie Roach ang kanyang trainer.

Sapat na rin umano ang paghahanda niya dahil kabilang sa kanyang sparmates sina Ray Beltran at Jamie Kavanagh.

“I love coming to the Wild Card, its a great gym,” wika ni Gesta. GP

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply