Gesta-Trazancos rematch sa Feb. 18

MULING makikipagsapakan sa February 18 si Pinoy southpaw Mercito “No Mercy” Gesta (20-0-1, 10KOs) kay Genaro Trazancos (22-13-1, 13KOs) sa Telefura’s “Solo Boxeo Tecate” sa San Francisco.

Gaganapin ang laban sa Longshormen’s Hall na malapit sa world famous Fisherman’s Wharf.

Tinawag na “War at the Wharf”, ang multi-bout card ay handog ng Golden Boy Promotions kung saan muling magpapakitang gilas si Gesta.

Hindi na bago tao si Trazancos dahil nakasagupa na ng Cebuanong boksingero ang Mehikano noong Agosto ng nakaraang taon kung saan natalo niya ito via knockout.

“We wanted to fight Hector Velazquez but he backed out of the fight I was told by my promoter Don Chargin,” wika ni Gesta mula sa Wild Card gym sa Los Angeles . “Trazancos is tough and strong and most of all brave enough to fight me again when others wouldn’t.” Gilbert Perdez

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply