Ghost project ng ex-SK sa Samar,pinabubusisi

PINABUBUSISI ng isang residente ng Brgy. Bulao, Las Navas, Samar ang pinuntahan ng tatlong malalaking project  na pinagawa ng kanilang dating SK .

Itinatanong din kung anong kaparusahan ang  nararapat sa isang corrupt na gaya niya.

Aba’y kung ako ang tatanungin ninyo, ang dapat na parusa sa mga magnanakaw sa kaban ng bayan ay “putol it-it”(joke). Hehehe.

Dapat na dumaan sa tamang proseso ang pagkakaso sa isang inaakusahan.

Kailangan ay may mga matibay kang ebidensya na magdidiin sa taong inyong idinedemanda. Hindi pupuwedeng akusahan mo kaagad  si ex-Brgy. Bulao, SK Chairman Larry Durin ng paglustay ng pera ng SK. Hanggang wala kang matibay na  ebidensya na kinurakot nga niya ang pondo ng inyong barangay, mahihirapan kang magpakulong sa kanya.

Basahin natin ang reklamo ng isa sa mga kabaranggay ni Durin.

Gud pm Sir Johnny. Tanong ko lang kung anong kaparusahan ang dapat sa corrupt na dati naming SK Chairman na si Larry Durin  sa Brgy. Bulao, Las Navas, Samar na nag-process  ng 3  malalaking project. Una ang streetlight, tapos tree planting ang sumunod. Pangatlo ay trash can pero kahit isa ay walang ipinakita sa Barangay. MRT of Bulao.

Huli-lagay ng SPG-DILG nananalasa

Patuloy ang ginagawang huli-lagay ng Special Project Group (SPG-DILG) ng grupo ng isang Maj. Castil sa buong Metro Manila.

Ang ginagamit na mga aso ni Maj. Castil sa SPG-DILG para manghuli ng mga sugalan at iba pang vices ay sina Erick Santiago alyas Insp. Baltazar at isang Jake Duling.

Ang istilo ng grupo ng   SPG-DILG ay mambubulabog ng mga pasugalan at iba pang vices sa Metro.

Pag nahuli na ng mga ito ang sugalan ay saka sila manghihingi ng katakot-takot na “timbre.”-Johnny Magalona

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply