Ginang na pumalag sa manyak na kapitbahay tinigbak

PANGASINAN-Buhay ng 37 anyos na ginang ang naging kapalit nang manlaban ito ng pagsasaksakin nang lasing na kapitbahay na nagtangkang gumahasa sa biktima sa bayan ng Malasique, Pangasinan.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima na kinilalang si Lanie Ventenilla, residente ng Brgy. Amacalan sa bayan ng Malasique, sa nasabing lalawigan subalit binawian din ito ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, sinalisihan ng lasing na suspek na si Leopoldo Segundo, ang biktima sa pagpasok sa bahay nito.

Nagulat na lamang ang ginang nang makita ang suspek sa loob ng kanyang bahay.

Agad dinaluhong ng suspek ang ginang at pinupog ng halik sabay lamas sa maseselang parte ng katawan nito.

Hindi naman nanaig ang takot sa ginang kaya nanlaban ito at pilit kumawala sa pagkakalingkis ng suspek.

Dahil dito, inundayan ng mga saksak ng suspek ang ginang. Nasa gayung tagpo ang mga ito nang dumating ang pinsan ng biktima na si Benny Ventinilla at inawat si Segundo subalit pati siya ay pinagbalingan nito at inundayan din ng saksak.

Nang kapwa nakabulagta na ang magpinsan ay tumalilis ang suspek.

Maswerte namang mababaw lang ang mga sugat ni Ventinilla ngunit ang pinsan nito ay hindi na naisalba.

Naglunsad na ng manhunt operation ang Pangasinan police laban sa suspek. Verlin Ruiz

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply