Ginang na tibo nagbigti

NATAGPUANG nakabitin ang isang 38-anyos na tomboy sa pamamagitan ng nylon cord na nakapulupot sa leeg sa loob ng kanyang silid sa Paco, Maynila noong Biyernes.

Kinilala ang biktima na si Michelle Paterno ng 1651 Union st. (F.M. Gernale st.), Paco.

Hinihinalang iniwan ng girlfriend ang biktima kaya ito nagkitil ng sariling buhay.

Batay sa ulat ni Det.Henry Ignacio kay Senior Insp. Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 4:45 ng hapon nang madiskubre ng isang  11-anyos na anak ng biktima ang kanyang ina na nakabigti.

Dali-dali umanong kumuha ng gunting ang huli at ginupit ang nylon cord na kulay puti.

Lumabas ng bahay umano ang bata at humingi ng tulong sa isang barangay kagawad na si Apollo Quiambao, na  siyang nagsugod sa Ospital ng Maynila, lulan ng barangay multicab.

Sa kasamaang-palad  ay idineklara itong dead on arrival ni Dr.Aries Velarde at Dr.John Loyd bandang 5:30 ng hapon.

Lumitaw sa initial na report ni Ignacio, minsan nang nagtangkang magpakamatay ang biktima.

Uminom umano ito ng Zonrox at nag-iwan pa ito ng suicide note sa anak.  Rene Crisostomo

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply