Ginang nagbigti sa hirap ng buhay

ANG patuloy na kahirapang dinaranas ng kanyang pamilya ang pinaniniwalaang nagtulak sa 42 anyos na ginang upang magbigti sa kanyang bahay sa Quezon City Lunes ng madaling araw.

Nakabitin na ang biktimang si Vina Grace Aliwalas, nang matagpuan sa ikalawang palapag ng kanilang bahay sa Blk.1, Lot 4  Tangile St., Bernaty Subdivision, Brgy. Bagbag Novaliches, Quezon City, dakong alas-2:30 ng madaling araw.

Batay sa ulat ng QCPD-Police Station 4, isang kamag-anak ang nakatuklas sa pagpapatiwakal ng biktima.

Nabatid na nagsosolo noon sa bahay ang ginang nang isagawa ang pagpapatiwakal gamit ang nylon cord.

Ayon sa ilang kaanak, napansin nila ang pagiging balisa ng ginang kamakailan.

Isa sa kanila ang nagtanong sa ginang kung ano ang problema nito ngunit tumanggi umano itong magsalita.

Nabatid pa sa mga kaanak na madalas mabanggit ng ginang sa kanila ang kakapusan sa pang-araw-araw na panggastos kaya may duda sila na ito ang dahilan kaya naisipan ng huli ang magpatiwakal.

Maari anilang wala nang maisip na paraan ang ginang upang makaahon sa kahirapan ang pamilya kaya habang nag-iisa sa bahay ay nagawa nitong magbigti. Alex Ching

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply