Ginang pisak sa tanker sa Marikina

PISAK ang ulo ng isang ginang matapos masagaaan ng tanker na pag-aari ng Manila Water sa Marikina City, Biyernes ng umaga, Pebrero 4.

Kinilala ni Marikina City Traffic chief P/C. Insp. Ronald Girao, ang biktima na si Margie Roxas, ng 453 JP Rizal st., Brgy., Sto. Niño, nasabing lungsod.

Kusang loob namang sumuko sa pulisya ang driver na si Romeo Torrena, 43, ng 44 Lunduyan, Batasan Hills, Quezon, City.

Sa ulat,  naganap ang insidente dakong 9 ng umaga sa JP Rizal st., kanto ng Ming Ramos Lane, Brgy. Sto Niño, Marikina City.

Nabatid na tumatawid ang ginang sa pedestrian lane kasama ang kanyang apo nang biglang umabante ang Hyundai tanker truck (SFX 404) na minamaneho ni Torrena.

Ayon kay Torrena, hindi niya napansin ang ginang dahil bigla silang binigyan ng go signal ng traffic enforcer  kaya naipit niya ng kaliwang gulong ang biktima.

Ang nasabing tanker ay gamit sa pagsipsip sa human waste at burak na nakabara sa mga imburnal.

Kasong reckless imprudence resulting to homicide ang inihahandang kaso ng pulisya sa suspek. Jhie Convocar/Fenny Pineda

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply