GMA ipatatawag sa ‘pabaon’ probe

POSIBLENG ipatawag si dating Pangulong Gloria Arroyo sa susunod na gagawing imbestigasyon sa AFP fund scam sa Senado.

Ito ay matapos magpahayag si Sen. Antonio Trillanes IV na maaaring ang sinasabing pagtawag ng dating Pangulo ang magbibigay linaw sa pagpapakamatay ng dating DND chief, isang araw matapos ang kanilang pag-uusap.

Sinabi pa ni Trillanes na hindi dapat isisi sa Senado ang pagkamatay ni Reyes na tila naging responsable ang Mataas na Kapulungan sa pangyayari dahil wala umanong nakaaalam kung ano ang nasa isip ng dating heneral bago gawin ang pagbaril sarili.

Ikinatuwiran pa ni Trillanes na walang katotohanan ang pananaw ng ilang sektor na nagkaroon ng trial by publicity ang sinapit ng yumaong heneral dahil tulad ng miyembro ng Magdalo Group na kanyang kinasasaniban, dumaan din sa mas matinding “pressure” at paninira ng dating administrasyon sa loob ng mahigit pitong taon. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply