Gng Reyes napatawad na si Rabusa

SA ISANG panayam ay sinabi ni Teresita Reyes, asawa ni dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Angelo Reyes na kanya nang napatawad si AFP budget officer na si George Rabusa.

Ayon kay Gng. Reyes handa na rin siyang makaharap at makita si Rabusa kahit pa idinawait nito at idiniin ang kanyang yumaong asawa sa mga katiwalian sa AFP.

Naging emosyunal ang asawa ni Reyes sa panayam at sinabing gusto na nila ng katahimikan dahil aniya pagod na pagod na sila sa mga naganap mula ng mangyari ang hindi inaasahang pagpapakamatay ng kanyang asawa.

Matatandaan na ikinuwento rin ni Rabusa na maging si Gng. Reyes ay binibigyan rin niya ng “travel allowance.”

Sinabi naman ng isang anak ni Reyes na si Marc na dadaan sila sa isang mahabang proseso at pagkatapos ng libing ng ama ay uumpisan nilang tanggapin ang mga nagyari.

Samantala, patuloy ang pagbisita ng mga kilalang personalidad sa burol ni Reyes sa Camp Aguinaldo,  gaya nila Boy Abunda, dating Intertior secretary Rafael Alunan na naging kaklase ni Reyes noon.

Mamayang alas-singko ng hapon, Pebrero 12 ay dadalhin naman ang mga labi ni Reyes sa main building ng AFP upang pagbigyan ang kahilingan ng mga dating nakasama sa trabaho.

Dito iaalay ang isang misa upang magbigay-pugay sa kanilang dating chief of staff. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply