Go Army sinilat ni Antiress

UMUWING luhaan ang mga liyamadista matapos matalo si mega outstanding favorite Go Army sa naganap na Special Class Division 15 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Nagkapanabayan pagpasok ng rekta sina Go Army na sinakyan ni star jockey Jonathan B. Hernandez at imported horse Antiress na ginabayan naman ni class C rider EG Reyes.

Hanggang sa huling 100 metro ng labanan ay nagpapalitan ng bandera na nguso lang ang lamang sina Hernandez na nasa tabing balya ang sinasakyan habang nakatapal sa kanya si Reyes.

Pagsapit ng meta ay nangusuan ni Antiress si Go Army upang magsabugan ang bulsa ng mga liyamadistang nakataya sa huli.

“Hindi naging maganda ang naging salida ni Go Army, sumalubsob siya paglabas ng aparato kaya yun marahil ang isa sa ikinatalo niya pero maganda rin naman ang ipinakita ni Antiress yun nga lang kay Go Army ako nakalagay.” saad ng isang liyamadistang nakasaksi sa nasabing laban.

Nakapagtala ng tiyempong 1:29.6 si Antiress sa distansyang 1,400 meter race.

Samantala, umabot naman sa mahigit 12 kabayo ang agwat ng panalo ni Ansila sa naganap na Imported Maiden AB.

Pagbukas ng aparato agad sinunggaban ni Ansila ang unahan sakay ang hineteng si class A jockey Kelvin Abobo upang sa pagpasok ng back stretch ay makalamang agad ito ng pitong kabayo sa mga katunggali.

“Magaling ang sarap patakbuhin walang pakialam kung sino ang gustong humabol sa unahan,” wika ni Abobo.

Umoras si Ansila ng 1:28.4 sa 1,400 meter race. Elech Dawa

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply