Goalie ng Azkals ‘di lalaro sa 2nd leg ng Pilipinas vs Mongolia

HINDI na makapaglalaro sa 2nd leg ng AFC Challenge ang pambatong goalie ng Azkals na si Neil Etheridge dahil babalik na ito bukas sa kanyang mother ballclub sa London, England.

Gaganapin ang second game sa pagitan ng Pilipinas at Mongolia sa Marso 15 sa Ulan Bator, Mongolia.

Sinabi ni Etheridge na kailangang niyang bumalik agad sa London upang asikasuhin ang renewal ng kanyang contract  sa Fulham Football Club na kasali sa English Premier League.

“Isang linggo lang ang paalam ko sa aking football club at hindi na ito papayag na mawala ako ng matagal lalo pa na sa isang buwan pa ang susunod na laro ng Azkals kontra Mongolia.”

Kumpiyansa naman German coach Hans Michael Weiss na duduruging muli ng Azkals ang Mongolia sa susunod na laban.

Matatandaan inulan ng 32 beses na goal attempt ang Mongolia sa katatapos na laban sa Panaad Stadium sa Bacolod kumpara sa dawalang ulit lang na attempt ng Blue Wolves.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply