Gomez, Barbosa pipilit ng panalo

ISUSULONG nina Pinoy woodpushers GM John Paul Gomez at IM Oliver Barbosa ang mahalagang panalo sa eighth round upang mapaganda ang kanilang individual standing sa nagaganap na 2011 Moscow Open chess championships sa Russia State Social University sa Moscow, Russia.

Nakalikom ng tig 5.5 puntos sina Gomez at Barbosa matapos ang 7th round kung saan ay kasosyo sila sa 14th to 40th places habang tatlo naman ang magkasama sa tuktok na may 6.5 pts.

Nakihati naman si no. 30 seeded Gomez, (Elo 2527) kay Vasily Usmanov sa 71 moves ng slav habang kinaldag ni Barbosa, (Elo 2461) si Valentin Bobrov sa round seven.

May kababaan ang rating ng kalaban ni Gomez sa round eight na si IM Vladimir Hamitevici, (Elo 2412) habang pihadong dadaan sa butas ng karayom si Barbosa sa pakikipagtuos kay GM Kotsur Pavel, (Elo 2559) ng Kazakhstan.

Samantala, maaaring maghiwalay sa tuktok ang tatlong nangunguna na sina IM Igor Kovalenko, (Elo 2515) ng Ukrain, GMs Zhou Weiqi, (Elo 2573) ng China at Nikolai Kabanov, (Elo 2482) ng Russia.

Maghaharap sa top board sina Kovalenko at Kabanov habang sa board 2 ay mahaharap si Zhou sa pahirapang laban kontra tournament top seed GM Denis Khismatullin, (Elo 2649) ng Russia na may anim na puntos. Elech Dawa

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply