Gomez, Barbosa wagi sa Moscow Open Chess

NAGTALA ng magkahiwalay na panalo sina GM John Paul Gomez at IM Oliver Barbosa para itaas ang bandila ng Pilipinas matapos ang 6th round ng 2011 Moscow Open chess championship sa Russia State Social University sa Moscow, Russia.

Nakaungos si Gomez kontra kay Denis Kutuzov ng Russia Habang umibabaw naman si Barbosa kontra kay Evgeny Yarmolenko ng Russia.

Nakalikom na ngayon si Gomez ng points tungo sa 9th hanggang 31st placers habang nakapagtumpok naman si Barbosa ng 4.5 points para makisalo sa ika-32nd hanggang 75th placers.

Nakopo naman ni GM Nikolai Kabanov ng Russia ang solong liderato matapos talunin ang kanyang kababayan na si GM Maxim Turov tungo sa ika-6 na sunod na panalo.

Sa 7th round, karibal ni Gomez si Vasily Usmanov habang katapat naman ni Barbosa si Valentin Bobrov.

Ang kampanya nina Gomez at Barbosa sa Russia tilt ay suportado ni National Chess Federation of the Philippines (NCFP) President. Chairman Prospero “Butch” Pichay Jr..

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply