Aguimbag nagparamdam agad ng lakas sa PACE age-group chess

NAGPARAMDAM agad ng lakas si Shannon Mark Dannielle Rebustillo Aguimbag ng Saint John of Beverly Novaliches matapos magtala ng magkasunod na panalo sa first leg ng Philippine Academy for Chess Excellence (PACE)-National Chess Academy (NCA) 2011 Age-Group Chess Championship sa PACE headquarter sa Quezon City.

Ang 7-anyos na si Aguimbag, nasa kandili ni National Master Edmundo Gatus, ay mayroong 2.0 puntos sa dalawang rounds para saluhan sa liderato sina Istraelito Rilloza, Daniel Gonzales at Eliza Dianne Mapili sa combined 11- and 8-below category.

Si Aguimbag ay sariwa pa sa pagwawagi sa nakaraang National Bookstore chess tournament kamakailan.

Sa combined 17- and 14-below category, magkasalo naman sa liderato sina Robin Ignacio at Romulo Curioso na kapwa may 2.0 points.

Nagsibilng punong abala si PACE founding head at two-time Olympian Grandmaster Jayson Gonzales sa pakikipagtulungan ni Prospero “Butch” A. Pichay, Jr., president/chairman ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) at Brother Rolando Dizon, NCA president at former president ng De La Salle University. Liberty Icao

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply