Gomez, Laylo at Dimakiling nangunguna sa Aeroflot

MULING nagparamdam ng lakas ang mga Pinoy woodpushers matapos isulong ang ikalawang sunod na panalo sa 2011 Aeroflot open Chess group B na ginaganap ngayon sa Moscow, Russia.

Pinisak nina GMs John Paul Gomez, (Elo 2527) at Darwin Laylo, (Elo 2516) sina FM Azat Sharafiev, (Elo 2462) at IM Nikolai Shukh, (Elo2442) upang manatiling malinis pagkatapos ng round two.

Perfect two points din si IM Oliver Dimakiling, (Elo 2432) na tinalo si GM Vasif Durarbeyli, (Elo 2504) ng Azerbia.

Kasosyo sa 1st to 10th place sina Gomez, Laylo at Dimakiling habang ang ibang Pinoy chessers na sina IMs Richard Bitoon at Oliver Barbosa ay magkasalo sa 11th to 35th place na may tig 1.5 pts.

Nangibabaw si 2011 Moscow Open chess championships ninth placer Barbosa, (Elo 2461) kay Alexander Demianjuk, (Elo 2305) ng Russia habang nakipaghatian ng puntos si Bitoon, (Elo 2461) kay IM Kirill Stupak, (Elo 2527) ng Bulgaria.

Sa round 3 muling sasabak sina Gomez at Laylo sa mga Russian woodpushers kung saan ay makakaharap nila sina GM Aleksandr Karpatchev, (Elo 2474) at FM Pogos Nakhapetiane, (Elo 2469).

Kikilatisin naman ni Dimakiling si GM Alexei Gavrilov ng Russia na may Elo rating na 2484.

Samantala, yumuko si Pinoy super GM Wesley So kay Russian GM Anton Shomoev, (Elo 2557) sa group A upang mapako sa .5.

Nanalo naman si Paulo Bersamina laban kay Ganbaatar Saikhanvaza upang ilista ang unang panalo sa group C sa event na ipinatupad ang nine rounds swiss system sa lahat ng grupo. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply