Gov’t employees hihikayating magnegosyo

PUWEDENG magpatayo ng maliit na negosyo ang isang empleyado ng gobyerno kahit nasa serbisyo  pa.

Ito ang nilalaman ng House  Bill 29 na isinulong ni 2nd district Capiz Rep. Jane Tan-Castro para sa mga government employees na may kapasidad at kakayahang magnegosyo at bilang paghahanda sa kanilang pagreretiro.

Sinabi ni Tan-Castro na ang kanyang panukala ay naglalayon na magkaroon ng maraming bilang ng negosyante mula sa hanay ng may dalawang milyong  government employees.

“The government is the single-largest employer in the country. Yet, the compensation of government workers is not as competitive compared to that of the private sector,” ani Tan-Castro.

Sa sandaling may extra time at matapos ang kani-kanilang office hours ay dapat ding bigyang pagkakataon  ang mga government employees na magkaroon ng karagdagang kita.

Kikilalanin ang panukala bilang Government Employees’ Entrepreneurship Development Act. Beth Aragon

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply