Gov’t-NDF peace talks tatapusin sa 18 buwan

NAGKASUNDO ang Government of the Philippines at National Democratic Front na tapusin ang nasimulang peace talks sa loob lamang ng 18 buwan.

Sa ginanap na video conference direkta mula sa Oslo, Norway ay masayang ibinalita ni GPH peace panel chairman Usec. Alexander Padilla na kasama rin sa mga napagkasunduan na tapusin ng dalawang panig ang pagbalangkas ng comprehensive agreements sa iba’t ibang agenda.

Kasama na rito ang usapin ng socio-economic reforms, political-constitutional reforms at tuluyang pagresolba ng mga hostilities ng magkabilang puwersa.

Sinabi pa ni Usec. Padilla ang “timeline” kung kailan matatapos ng GPH at NDF ang pagbalangkas ng kasunduan.

Samantala, iniulat ni OPPAP Sec. Teresita Deles mula sa Jeddah, Saudi Arabia na sinimulan na ang 2-day talks ng Philippine Government, Organization of Islamic Conference at Moro Islamic Liberation Front hinggil sa isinusulong na negosasyong pangkapayapaan sa pagitan ng Moro secessionist group sa Mindanao.-Kris Jose

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply