Gov’t officials, professionals, mga sabit sa scam hahabulin ng BIR

ISANG ‘special task force’ ang binuo ng Bureau of Internal Revenue para habulin ang mga delinquent taxpayer, gaya ng mga dating gabinete, sundalo at pulis na may mataas na katungkulan, mga dati at kasalukuyang empleyado at opisyal ng gobyerno na sangkot sa mga katiwalian, kabilang na ang mga propesyunal tulad ng mga doktor, abogado, accountants at iba pang indibidwal.

Layunin ng naturang hakbang na makalikom ng karagdagang P200 bilyon sa ‘uncollected taxes.

Sinabi ng source na pinakilos ng BIR ang mga batikang abogado at accountant ng Rentas Internas para sampahan ng kasong tax evasion ang mga taxpayer na patuloy sa pandaraya sa pagbabayad ng buwis, hindi pagpaparehistro ng kanilang korporasyon o kompanya, lalo na ang mga mangangalakal na gumagamit ng fake receipts and sales invoices para mabawi ng gobyerno sa mga ito ang bilyon-bilyong buwis na dapat nilang bayaran sa pamahalaan.

Papasukin na rin umano ng BIR ang pagsasagawa ng tax investigation sa mga kilalang personalidad na sangkot sa mga katiwalian na sinasabing kumita ng limpak-limpak na salapi tulad ng naisiwalat na umano’y ‘lagayan,’ ‘pasalubong’ o ‘pabaon’ sa mga nagsipagretirong heneral ng Armed Forces of the Philippines na ibinunyag ng Commission on Audit sa on-going hearing sa Senado at Kongreso. Erick Balane

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply