Gov. E.R. at PD Cruz, kumilos laban sa manggagamit

SA WAKAS ay umaaksyon  na sina Laguna Gov. ER Estregan at Laguna PD Supt. Gilbert Cruz   laban sa operator ng Doble 88 Towing Service na si Arturo Landicho. (Ito yung tarantadong operator ng towing services na kung magmura  akala mo ay wala na siyang kamatayan).

Mantakin ninyo, ginagamit lang pala ng ugak na ito  ang pangalan nina Gov. ER at PD Cruz.

Sa lahat ng ayaw ni Gov. ER ay ang “kotong” kaya pinadakma niya kaagad ang towing service ni Landicho na nag-ooperate sa buong Laguna na ang lakad ay puro kotong na gamit ang pangalan ni gob.

Lahat na yata ng mataas na opisyal sa Laguna Capitol ay ginamit nitong si Landicho. Pati rin ang  pangalan ng hepe ng Laguna Traffic Management Office na si Calaje Rabago ay ginagamit.

Napag-alaman pa natin na wala pala talagang business permit yang si Landicho. Kaya nga, Gov. ER at PD Cruz, ang wish ko lang sa inyo kung talagang hindi ninyo kilala ay ipakulong ninyo!!! Saludo ako sa inyo, mabuhay po kayo!!!!

KTV bar pugad ng mga ‘pokpok’

Patuloy ang pakikipag-sex ng mga GRO’s sa mga kostumer na nagpupunta sa Reposo KTV Bar sa Reposo St. cor J.P. Rizal, Makati. Hindi man lang “natinag” ang Reposo KTV Bar sa kabila ng pagkakabulgar natin sa mga kababuyan na pinaggagawa rito.

Nagmamayabang pa nga raw ang may-ari ng bahay- kaplugan na kinilalang si alyas Erick. Malakas nga sa Makati City Hall ang Reposo KTV Bar ni alyas Erick.

Hindi ko lang alam kung may “timbre” sa City Hall ang Reposo KTV Bar.

Kitang-kita naman natin na kinakalakal ang mga katawan ng mga GRO sa KTV Bar na yan. Ang tanong ay bakit patuloy na binibigyan ng lisensya o permit ito.

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764,09266719269 o email juandesabog@yahoo. com.-Johnny Magalona

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply